Bangkang mga Trimaran na Sana ay Makita sa Jalajala at Binangonan

 Sana ay dito na gumawa ng mga electric boats, lalo na mga e-trimaran para sa turismo biyaheng Laguna de Bay palabas ng Manila Bay.  Tapos, pwede pang bumiyahe hanggang Mindoro at Boracay!  Parang lumilipad sa dagat ang trimarans, at talagang mukhang Star Trek na sasakyang pangkalawakan ni Captain Picard.  Mabilis talaga.

Pwede ring may mga layag na dumoble bilang lalagyan ng flexible solar panels.  Dapat ay may dual turbo-diesel engines na paired with electric motors, at may vertical wind turbine generator pa.  Imposible ngang tumirik dahil sa dami ng power sources.  Matipid pa sigurado at maraming renewable energy (RE) na gamit. 


Ayan ang magandang trimaran na may vertical axis na wind turbine generator.





Pwedeng may layag din.  Pero perovskite solar fabric na kailangan.  Wala pang maganda at matibay na ganuon; mga 10 taon pa antayin siguro ang malawakang produksyon.  Pero tamang tama siya sa Pilipinas at sa may layag (sail) kasi parang tela siya at hindi inflexible na solar panel.




Pwede ring gumawa ng daang libong e-outrigger na mga bangka.  Ito pwedeng gamiitin ng mga taga Jalajala upang mangisda sa West Philippine Sea.  Dahil parang trimaran din, mabilis at matipid dapat ang mga ito.  Pwede ring pangturista lalo na sa mga turista na gustong makita ang mga isda sa mga bahura (reef).



Comments